Saturday, August 20, 2011

Soul Sisters



ito ay para sa mga taong naging parte at patuloy na magiging parte ng buhay ko, ako ay sila, sila ay ako, kami ay kayo......

ang mga kapatid ko.....





sa bawat buhay ng bawat tao dito sa mundo, imposibleng magkaroon ng isang taong walang kaibigan, imposible talaga! pero kung sakaling mali ako at mayroon nga, haaaayyyy..... nakaka awa sya! dahil para lang syang nabubuhay sa mundong walang kulay, para lang syang kumakain ng french fries na walang ketchup, para lang syang umiinom ng beer na hindi malamig........... hindi masarap, hindi masaya.....


halos higit limang taon na kaming magkakaibigan, hindi na mabilang kung ilang lugar na ang aming napuntahan, kung ilang pagkain na ang naubos namin, at kung ilang tao na din ang  aming napagchismisan! malay mo isa ka dun! ... wag kang mag alala, normal ang pagchichismisan sa magkakaibigan, kahit nakakasira ng pagkatao ng iba, basta magdudulot ng tawa at saya sa kwentuhan, keri lang! 






sa Maryhill College nagsimula lahat, nagsimula sa pagiging magkaka-klase, umusbong ang pagkakaibigan at ngayon, pamilya na ang turing namin sa isa't-isa, pero lahat ng kasalukuyan ay may nakaraan, at sa nakaraan namin, hindi ko na alam kung ilang batas ang aming nalabag, kung ilang baso na ang nabasag sa mga bar, mga nasukahan, mga nabato, nabangga, namura, naka away.......  nagsasaya lang kami, at kitang kita samin yun!


ngunit hindi lahat ng sandali sa pagkakaibigan namin ay masaya, makailang beses ding nasubok ang tatag at pagmamahal namin sa isat-isa, naks! ... andyan yung nagkakatampuhan, nagkakapikunan, nagkakagalit.. yun bang tipong isang linggong hindi magpapansinan, magbuburahan ng number sa phone, at kung ano ano pa... pero proud kami dun! dahil sa bawat hindi pagkakaintindihan may natututunan, at lalong nagpapatibay ng isang samahan...








kahit ilang buwan kaming hindi nagkikita o nagkakasama, hindi namin namamalayan dahil ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dalas ng paguusap o pagkikita, hindi ito nasusukat sa kung ano at hindi kayang gawin ng isang kaibigan para sa'yo... dahil sa kagaya ng pagkakaibigan namin, hindi namin kailangan ang salita para malamang andyan kami para sa isa't isa........

marami na kaming nabuong alaala, at marami pa kaming idadag dag dito, marami pa kaming lugar na pupuntahan, marami pa kaming basong babasagin, marami pang susukahan, babatuhin, mumurahin, at aawayin!....

dahil magkakaibigan kami habang buhay, hanggang sa may mga sari sarili na silang pamilya ( exempted ako dyan)..... hanggang mga matatanda na kami, patugtugin mo lang ang kantang "wanna be" ng Spicegirls at kakantahin pa din namin.... excited nako! ......

at kahit matapos man ang blog na to, ang pagmamahal ko sa kanila ay mananatiling walang katapusan......













IIIIIIIIIII LLLLLOOOOVVVVEEEE YYYYYOOOOUUUUU GGGGUUUURRRRLLLLSSSSS!!!!!!!!




No comments:

Post a Comment