Saturday, August 13, 2011
Pagibig, Pagkain atbp.
Testing..testing....... ehem ehem.....
sa wakas, pagkakataon ko ng pagbigyan ang isipan kong nagsusumigaw sa mga bagay na ayaw kong iparinig pero gusto kong ipa alam.
Pagibig, sus! hindi na mabilang kung ilang kwento na ng pagibig ang aking narinig sa labing syam na taon ko dito sa mundo, pero halos lahat ng kwentong pagibig na aking narinig, parang may isang bagay silang pare pareho, lahat ng kwento nila may saya, lahat may lungkot, na kung minsan matamis, minsan mapait, minsan nasasaktan, minsan nakaksakit, pero ang isang bagay na sigurado ako tungkol sa mga kwento at kasaysayan ng pagmamahal, lahat may natututunan.
para sa akin, ang pagmamahal ay parang pagkain sa isang fine dining restaurant, o sa isang fast food chain, o kahit sa isang carinderia sa kanto na may libreng soup.
Sa tingin ko, dahil mahilig naman akong tumingin, hindi ka naman oorder ng pagkain kung busog ka, di bale na lang kung talagang napilitan ka lang kumain dahil sa gwapo at crush mo yung waiter, parang sa pagibig, hindi ka dapat pumasok sa isang relasyon kung alam mo sa sarili mo na hindi ka naman handa, handa sa responsibilidad at sa obligasyon, dahil hindi ito magwowork out, magkakasakitan lang kayo, magkakasamaan ng loob, at para ka lang umorder ng pagkain ng hindi ka naman gutom, na impatso ka na, nagastusan ka pa.
Sa palagay ko, dahil mahilig din naman akong magpalagay, hindi mo pwedeng sabihin na nagmamahal ka sa magkaibang tao sa parehong pagkakataon, dahil ibig sabihin lang non, may nakita ka sa ibang tao na wala sa una mong karelasyon, may hinahanap ka na hindi mo makuha sa kanya, o talaga lang kulang sya sa atensyong binibigay sayo, Hindi ka naman oorder ng Extra rice kung busog ka na at kuntento ka na sa nakain mo.....
Naniniwala ako, dahil mapagpaniwala naman talaga ako, na pag nagmahal ka, at ibinigay mo ang sarili mo sa isang tao, wala kang karapatang magreklamo na nahihirapan ka at nasasaktan sa panahon na may problema kayo, sa ayaw mo man at sa hindi, parte yan ng pagibig, required yan, at kahit hindi mo man aminin, alam kong alam mo na yan bago ka pa man pumasok sa isang relasyon, pinipilit mo lang tlgang paniwalain ang sarili mo na ang pagmamahal ay puro masasayang sandali lamang. Parang pag order ng Bicol Express at pag ulam nito, pipilitin natin ang sarili nating tiisin ang halang dahil masarap..........
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment