Thursday, August 18, 2011

Moving on......


"when we love someone, do not try to be everything to that person, wag kang maging superhero sa kanya...."

lahat tayo nakaranas ng mawalan, maaring isang tao, isang bagay o isang pagkakataon. sa mga panahong ito, ibat ibang reaksyon ang umuusbong, may umiiyak, may nagagalit, at pinaka malala, may mga taong nagagawang isuko ang sarili nilang buhay dahil sa pagkawala ng isang tao o isang bagay.

MOVE ON! madalas na ipayo sa mga taong nasaktan o nawalan, pero taliwas sa kung anong daling sabihin ang mga salitang "move on" ay ang napakahirap na pagsasabuhay nito. Pero sa dami na ng kaibigan ko at kilalang tao na nawalan ng mahal sa buhay at nagdaan sa isang hindi nagtagumpay na relasyon, nakaisip ako ng mga hakbang upang makapagMOVE-ON ng tuluyan.

Hindi madaling makalimutan ang sakit na dulot ng pagibig, hindi ito parang headache na pwede mo lang itulog at kinabukasan wala na, unang hakbang ang misbelief  at anger, kapag nasaktan tayo at nabigo sa isang relasyon, pilit nating isusuka ang katotohanang wala na sya, wala na ang mga panahong ni-lu-look forward mo na magkasama kayo, at ang mga sandaling pinagsamahan nyo gaano man katagal at kasaya ay mananatili na lang na alaala. Indenial ka kung baga,  hindi mo din maiiwasang magalit, dahil nasaktan ka! normal yan! Walang taong hindi nagagalit sa lamok kapag kinagat sya nito...... Umiyak ka, umiyak ka hanggang gusto mo minsan mo lang magagamit ang mga mata mo para lumuha kaya sulitin mo na......

Pagkatapos mong magalit, pupunta ka sa Bargaining Stage , yun bang papaniwalain mo ang sarili mo na mayroon pang posibilidad at paraan para magkabalikan kayo, na kakapit ka sa kakatiting na pag-asa na maaayos nyo pa ang inyong relasyon,.. para sa akin, ito ang pinaka mahirap at pinaka masakit na stage, dahil hindi mo napapansin na masyado mo ng ibinababa ang sarili mo para sa isang taong hindi karapat dapat sayo, dito maaring maramdaman mo ang pinakamasakit na pwede mong maramdaman sa buong prosesong ito, ang kaawaan ka ng mga taong nasa paligid mo...... kapag nasabihan ka ng "naaawa ako sayo", para ka na ding sinampal sa magkabila mong pisngi, dahil ibig sabihin nun, gumising ka na! ayusin mo buhay mo, at maawa ka sa sarili mo!..... Tigilan mo na ang pagiging Bitter , hanggat maari putulin mo muna ang komunikasyon nyo sa isa't isa at tigilan mo na din ang paniniwala mong konektado ka pa din sa lahat at sa bawat bagay na nangyayari at nagaganap sa buhay nya, tanggapin mo kahit masakit na hindi ka na parte ng mundo nya....


Hindi mo pwedeng madaliin ang sarili mo, kahit gaano ka katagal magkulong sa kwarto mo, makakarating at makakarating ka din sa puntong ito, ang Acceptance, ang pagsisimula mo ng bagong buhay, ng panibagong paglalakbay, ang pagbubukas ng puso at isipan mo na hindi titigil ang pagikot ng mundo dahil sa nasaktan ka ng isang tao. hindi ka nagiisa, andyan ang pamilya mo, andyan ang mga kaibigan mo, at hindi mo masasabi na baka dumating ang pagkakataon na umibig kang muli. dito matatanggap mo ang katotohanang hindi masama ang maging single, na madaming nagmamahal sayo,  na may ibang tao pa dito sa mundo na mas karapat dapat sa pagmamahal ng isang katulad mo.....

actually, hindi naman talaga nawawala o nakakalimutan ang sakit na naramdaman mo, the pain will always be there.... its just that you are being used to it......

at sa sandaling handa ka ng magmahal muli, wag kang paranoid, wag kang matrauma, wag kang matakot masaktan ulit at pagdaanan ang prosesong ito, dahil sigurado ako na may natutunan ka, nagbago ka at mas nagmature ka bilang isang tao..... basta sa susunod na pagkakataon, wag mong kakalimutan ang sarili mo,

"dont give too much importance to someone, because it will disregard your own happiness...."






No comments:

Post a Comment